in

Carmina Villarroel, ibinahagi ang kaniyang home workout routine

Habang nasa enhanced community quarantine, game na game na ipinakita ng Kapuso star at ‘Sarap, ‘Di Ba?’ host na si Carmina Villarroel sa netizens ang kanyang exercise routine sa bahay.

Sa isang Instagram post, pinasilip niya ang sikreto sa kaniyang fit at sexy na katawan, “Done working out. Stay safe and healthy guys.”

Hindi naging hadlang para kay Carmina ang pansamantalang pananatili muna sa bahay para pangalagaan ang kaniyang figure. Kasama ang pamilya, ang asawang si Zoren at ang kambal na sina Mavy at Cassy, sinisiguro ni Carmina na mabuti ang kalagayan niya bilang ilaw ng tahanan.

Subaybayan ang quarantine journey ng Legazpi fam sa kanilang social media accounts! Samantala, mapapanood pa rin ang ‘Sarap, ‘Di Ba?’ tuwing Sabado, 10:45 AM sa GMA.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Gabbi Garcia, Sanya Lopez at Kylie Padilla, muling magsasama-sama sa ‘Daig Kayo Ng Lola Ko’

Shaira Diaz, namigay ng PPEs at pagkain sa frontliners