in

Derek Ramsay, aminadong nahihirapan sa kinakaharap na krisis

Tila walang kawala ang kahit na sino man sa lumalaganap ngayong COVID-19 pandemic.

Maging si Kapuso hunk actor Derek Ramsay ay aminadong nahihirapan siya habang nasa ilalim ng enhanced community quarantine ang buong Metro Manila, “I’ll be honest, I’m not gonna say it’s easy. It’s really tough.”

Sa kanyang ipinost na Instagram video, isiniwalat ni Derek na marami siyang natutunan tungkol sa pananampalataya, pamilya, mental health, at overall well-being ngayong kasagsagan ng COVID-19.

“You just really have to focus, it’s a time for reflection. It’s a time to realize things that you know, that maybe we’ve been prioritizing the wrong things in our lives. We’ve really forgotten what life is really about.”

Bukod sa pagpapadala ng inspirasyon at suporta sa mga frontliners at higit na apektado ng krisis sa kanyang social media, aktibo rin si Derek sa pagkakawanggawa sa tulong na rin ng AFP at GMA Kapuso Foundation.

“Our AFP frontliners are working non stop to help all of us. It was an honor to meet and help these amazing people today. Through the efforts and kindness of @dunkin_ph and Kapuso Foundation, the AFP will be able to bring help to those in need. Mabuhay kayo.”

Samantala, muling magbabalik-telebisyon si Derek sa pagbibidahan nilang action series na Sanggang Dikit ng nobya nitong si Andrea Torres sa GMA Network.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Voltes V: Legacy’ director Mark Reyes, patuloy ang preparasyon para sa live-action series

Mylene Dizon, ginupitan ng buhok ang nobyong si Jason Webb