Umpisa pa lang ay mainit na agad ang pagtanggap ng viewers at netizens sa newest GMA Afternoon Prime series na ‘Babawiin Ko Ang Lahat’ matapos na mag-trending ang world premiere ng serye nitong Lunes (February 22).
Sa direksyon ni Jules Katanyag, ang Babawiin Ko Ang Lahat ay kwento ni Iris (Pauline Mendoza) na mapipilitang iwan ang kanyang perpekto at kumportableng buhay sa pagdating ng unang pamilya ng kanyang ama na susubukang agawin ang lahat sa kanila.
Umani ng papuri sa netizens ang epektibong pagganap ni Carmina Villarroel bilang kontrabida ng serye. Marami rin ang nag-abang at natuwa sa muling pagbabalik telebisyon ni Tanya Garcia. Nagpaabot din ng pagbati ang fans ni Pauline sa first lead role ng Kapuso actress.
Mensahe ng isang netizen, “Congrats sa lahat ng cast. Muli na naman mabubuhay ang ating mga hapon dahil sa #BabawiinKoAngLahat!”
‘Wag nang magpahuli sa nakakaantig sa pusong kwento ng Babawiin Ko Ang Lahat, Lunes hanggang Biyernes, 3:25PM, sa GMA-7.