Lahat tayo may tililing!
Kailan ka ba huling naging normal? Ang direktor ng mga hit na pelikula na “JOWABLE” at “PAGLAKI KO, GUSTO KO MAGING PORNSTAR”, na si Darryl Yap ay nagbabalik at isang nakaka-intrigang pelikula na naman ang kanyang hatid sa “TILILING”.
Sino ba ang normal? Sino ba ang totoong baliw? Yan ang mga tanong hahanapan ng kasagutan sa “TILILING”. Ito ay tungkol sa tatlong intern na sina Maricel (Candy Pangilinan), Espie (Donnalyn Bartolome) at Jessa (Yumi Lacsamana), na naka-assign sa isang asylum. Doon nila makikilala ang tatlong pasyente na sina: Socorro (Gina Pareño) isang comfort woman, si Peter (Baron Geisler) isang ulila, at si Bernie (Chad Kinis) isang arsonist. Lahat sila ay may kani-kaniyang masasaklap na kwento. At sa kanilang mga kwento, makakapasok ang tatlong intern sa mundo ng mga pasyente at malalaman ang kanilang mga totoong sinapit sa buhay. At sa huli, mapapa-isip sila kung sino nga ba ang tunay na baliw: ang mga pasyente ng asylum o sila?
Isang never before seen genre-bending film ang hatid ni Direk Darryl Yap sa TILILING. At nagawa niya ito sa kombinasyon ng mga bago at beteranong aktor. Hindi ka magkakamali sa mga talentado at batikan ng aktor kagaya nila Gina Pareño, Baron Geisler at Candy Pangilinan; at nakakatuwa naman makakita ng mga young and promising talents gaya nila Donnalyn Bartolome, Yumi Lacsamana at Chad Kinis na game na game sa mga challenging roles.
Dahil sa nakaka-intrigang title ng pelikula at cast, movie teaser pa lang ng TILILING ay madaling umabot sa lagpas 1 million views sa Facebook. At nang i-release ang official movie trailer, agad itong nakakuha ng 1 million views ng wala pang 24 oras. Sa ngayon, lagpas 2.4 million views na at meron ng 42,000 shares ang TILILING trailer sa Facebook. At dahil talagang inaabangan na ng marami ang pelikula, isa na din ito sa mga trending topics sa mga social media sites.
Sabay na lalabas sa sinehan at Vivamax ang Tililing ngayon Marso 5, 2021.
Mag-subscribe na sa www.vivamax.net o kaya ay i-download ang VIVAMAX app sa Google Play, at sa P149 pesos, pwede ka nang mag-watch all you can sa VIVAMAX ATIN ‘TO!