in

Dave Bornea at Manolo Pedrosa, nakaramdam ng pressure sa pagiging leading men

Aminado ang Kapuso actors na sina Dave Bornea at Manolo Pedrosa na may may kaba sa kanilang pagganap bilang leading men sa upcoming GMA Afternoon Prime series na ‘Babawiin Ko Ang Lahat.’

Kuwento ng dalawa, thankful sila sa GMA Network para sa pagtitiwala sa kanilang talent. Gayunman, hindi rin nila maiwasang makaramdam ng pressure.

Pagbabahagi ni Dave, “For me sobrang grateful po ako kasi ‘yun nga I was given the chance na mabigyan ng ganitong role at nilagay sa ganitong spot. May pressure po, hindi naman po maiiwasan yan, at the same time may kaba rin, pero para sa akin it’s up to me kung paano ko siya dadalhin or gagampanan.”

Sey naman ni Manolo, tinatanggap niya ang challenge, “Kahit ano’ng job naman siguro there’s pressure, so ako naman I used it. I used that pressure as energy and same with Dave, I’m very grateful, I’m very honored to have this path.”

Ngayong Pebrero 22, abangan ang bagong istoryang aantig sa hapon ng Kapuso viewers. Malapit nang mapanood ang ‘Babawiin Ko Ang Lahat’ sa GMA Afternoon Prime!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

ABS-CBN at Caritas Philippines, magtutulungan para sa Alay Kapwa

Old School Records ng ABS-CBN, ipinakikilala sina Chloe, RJZON