in

‘Prima Donnas’ stars, ibinahagi ang memorable experiences nila sa set

Sa huling linggo ng top-rating GMA Afternoon Prime series na ‘Prima Donnas,’ muling binalikan ng cast na sina Jillian Ward, Althea Ablan, at Elijah Alejo ang ilan sa hindi nila malilimutang karanasan habang ginagawa ang serye.

Sa kanilang virtual grand finale reunion nitong Biyernes (February 12), taos-pusong pasasalamat ang ipinahatid ng Prima Donnas stars sa kanilang supporters at avid viewers na talaga namang sinubaybayan ang serye mula umpisa hanggang sa huli.

Sinariwa naman ng teen stars na sina Jillian, Elijah, at Althea ang ilan sa memorable experiences nila sa Prima Donnas.

Ayon kay Elijah, “For me, lahat naman po ng experience ko with Prima Donnas is memorable. Lahat po ng kwentuhan, asaran, lessons, testimonies, hinding-hindi ko po makakalimutan lahat.”

Hindi naman makakalimutan ni Jillian ang mga unang araw niya ng taping, “Lahat po! Pero hindi ko makakalimutan ‘yung first taping days ko po, katulad nung nilock po si Mayi sa kulungan ng baboy or ‘yung fruit salad fight namin ni Brianna.”

Ang pagdiriwang naman ng kanyang kaarawan kasama ang kanyang Prima Donnas costars ang isa sa memorable experiences ni Althea, “Dalawang beses na ako nakapag-celebrate ng birthday ko na kasama ang Prima Donnas family kaya sana next year ulit sila pa rin ang kasama ko.”

Samantala, ‘wag palampasin ang kapana-panabik na pagtatapos ng Prima Donnas ngayong Biyernes (February 19) sa GMA-7.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Sam Milby, mas mahal si Iza Calzado sa ‘Ang Sa Iyo Ay Akin’

LOOK: Heart Evangelista, may bongga at unexpected birthday gift