in

‘Trabahanap Live’ Season 4, patuloy na aagapay sa paghahanap ng trabaho ngayong pandemya

Patuloy na pinaglilingkuran ng TrabaHanap.com ang mga Pilipinong naghahanap ng trabaho sa kasagsagan ng pandemya sa pamamagitan ng “TrabaHanap Live,” na nasa ika-apat na season na at may bagong timeslot na 4 PM tuwing Sabado sa TrabaHanap Facebook page.

Samahan ang bagong host nito na si Kaladkaren, ang TrabaHanap fairy godmother, sa bagong mga segment na magbibigay inspirasyon sa mga naghahanap ng trabaho.

Kasama rito ang “TrabaHero of the Week,” kung saan tinatampok ang mga successful applicant na nagbago ang buhay matapos makahanap ng trabaho sa TrabaHanap.com.

Maaaring mag-nominate ang mga kaibigan, kapamilya, o katrabaho para maging tampok na “Trabahero of the Week”.

Mayroon na ring “TriviaHanap,” na nagbibigay ng tips para mas madaling makakuha ng trabaho. Sa “Top Jobs” segment naman ipapakita ang mga trabahong may pinakamaraming opening sa TrabaHanap.com.

Patuloy ring nag-iimbita ng mga employer sa Trabahanap Live para i-anunsyo ang kanilang mga job opening.

Tumutok tuwing Sabado, 4 ng hapon, sa TrabaHanap Live kasama si KaladKaren na mapapanood sa official Facebook page ng TrabaHanap (@TrabaHanapOfficial), TFC Official, TFC Asia, TFC Middle East, at sa FYE channel sa Kumu app, na may replay rin sa CineMo YouTube channel.

Makikita pa rin ang mga TrabaHanap job opening tuwing closing credits ng bawat pelikula sa CineMo (SKYcable channel 7 sa Metro Manila at channel 412 sa mga probinsya; Cignal channel 43; GSat channel 13; SatLite channel 36).

Para sa iba pang job openings, bumisita lamang sa trabahanap.com.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

DongYan, walang kupas ang pagpapakilig!

Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega, gaganap na Steve at Jamie ng ‘Voltes V: Legacy!’