in

Benjamin Alves, kumportable sa cast ng ‘Owe My Love’

Isa sa lead stars ng upcoming GMA Public Affairs series na ‘Owe My Love’ ang Kapuso actor na si Benjamin Alves at katulad ng mga fans at viewers, excited na rin siya sa nalalapit nitong pag-ere sa primetime ngayong Lunes, Pebrero 15.

Halos dalawang buwan ang naging lock-in taping ng inaabangang romantic-comedy series na ito kaya naman pagbabahagi ni Ben, nakabuo sila ng magandang samahan with the whole cast, “It’s great, ine-emulate namin ‘yung lightness of the material and it really helps. You really create bonds. I’ll see these guys after and we will always have this experience together.”

Gaganap siya rito bilang si Dr. Miguel “Migs” Alcancia, isang heart surgeon at financial adviser ng online show na “Alcancia ng Bayan.” Kalaunan sa kuwento ay pagtatagpuin sila ni Pacencia “Sensen” Guipit (Lovi Poe) dahil sa kani-kanilang problema sa pamilya at pera.

Abangan ang nakakatuwang tambalan na ito sa ‘Owe My Love,’ ngayong Lunes na, Pebrero 15, sa GMA Telebabad!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

ABS-CBN, patuloy ang paghahanap ng next ‘Bida Star’

‘Tinimbang Ang Langit’ at iba pang restored movies, mapapanood muli sa KTX.PH