in

DA HU?! Beking manager todo emote sa relasyon nila ngayon ng kanyang alagang young actor

Kapansin-pansin ngayon ang pag-e-emote ng beking manager sa kanyang social media accounts. Mukhang may pinagdadaanan s’ya.

Ang kanyang alagang young actor kasi ay may kinaharap na controversy recently kaya ganun na lang ang pag-e-emote n’ya.

Noon pa kasi usap-usapan na may relasyon silang dalawa. At ngayon ay mukhang maghihiwalay na sila.

Sabi kasi ng source, nag-break daw ang dalawa dahil sa controversy na kinasangkutan ng young actor. Hindi na-handle nang maayos ni beking manager ang career ng kanyang jowang young actor.

Pero s’yempre hindi naman sila umamin sa kanilang relasyon. Marami rin ang nakakapansin na wala naman masyadong big projects ang naibigay sa young actor.

Pero si young actor ngayon ay maingay ang pangalan at talaga namang pinag-uusapan sa Twitter.

Sey pa ng source, hindi rin daw nadisiplina ng beking manager si young actor. Simula kasi ng pag-usapan at makilala ang young actor, yumabang ito. Maraming nakapansin na mga kasamahan n’ya dati sa grupo.

Feeling ngayon ni young actor na super sikat s’ya dahil kilala s’ya sa Twitter world. At talagang feeling superstar kung gumalaw.

Dahil love s’ya ni beking manager kaya siguro hindi n’ya ito natatalakan kapag may ginawang mali. Ayan lumaki tuloy ang sungay.

Dapat habang bago pa, putulin na agad ang sungay. O baka naman talagang walang management skills ang manager? Pagiging lover lang talaga ang bet n’ya!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Fans, may sey sa mga bida ng ABS-CBN Pilikula ‘Pa-Mine Pare!’

JM Yosures ng Taguig, nagtagumpay bilang ika-4 na ‘Tawag Ng Tanghalan’ Grand Champion