in

Paul Salas: “Pansinin din nila ang mga ‘Frank’ sa buhay nila”

Marami na ang tinatamaan ng second-lead syndrome sa character ni Paul Salas sa fantasy-romance series ng GMA Public Affairs na The Lost Recipe. 

Ginagampanan ni Paul ang role ni Frank, best friend ni Apple (Mikee Quintos) at karibal ni Chef Harvey (Kelvin Miranda). Malaki ang pasasalamat ni Paul sa mga nagsasabing nakaka-relate sila sa karakter niya sa seryeng gabi-gabi ay tinututukan ng viewers. Hirit pa ni Paul, sana raw ay mas mahalin pa nila si Frank habang tumatagal ang series.

“Sana po lalo pa nilang mahalin ang character ni Frank kasi for sure may Frank din sila sa buhay nila,” say niya na ang tinutukoy ay ang pagiging loyal sa mga taong mahal nila.

Sobrang saya rin daw ni Paul dahil sa nabubuong Team Frank vs. Team Harvey, pero in real life ay wala raw competition sa kanila ni Kelvin. “Ang importante lang sa amin ay magawa namin ng mabuti at 100 percent ang bawat characters namin, so sana suportahan nila ang mga susunod na episodes ni Frank. Gusto kong magpasalamat sa lahat ng nanunuod gabi-gabi at sana subaybayan nila kami hanggang dulo.” Mapapanuod ang The Lost Recipe, Mondays to Fridays, 8 p.m., sa GMA News TV.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Libreng virtual concert na ‘Love, Jona,’ handa nang magpa-ibig ngayong Sabado

Iba’t ibang kwento ng pag-Ibig sa iWantTFC ngayong Valentine’s Day