in

Hallypop, may mga bagong programa ngayong Pebrero

Ngayong buwan ng mga puso, sagot ng Hallypop ang mas pinasayang viewing experience ng mga Kapuso! Tatlong bagong programa ang darating sa nangungunang Asian pop culture digital TV channel sa bansa.

Simula Lunes, Pebrero 8, mapapanood na ang live music request show na ‘After School Club,’ kung saan tampok ang K-Pop fans na makikipag-kulitan sa kanilang paboritong K-pop idols sa mga video chat sessions at social media interactions.

Tampok naman sa Miyerkules, Pebrero 10, ang ‘Rolling in K-pop’ at ‘Gangnam Insider Picks.’ 

Sa ‘Rolling in K-pop,’ sasabak ang iba’t ibang sikat na K-pop groups at idols sa nakakaaliw na segments ng Rolling, tulad ng TranSonglation, Call Me By Your Language, at Prop Room Dance. 

Samantala, masasaksihan sa ‘Gangnam Insider Picks’ ang pasikot-sikot ng Gangnam, ang kultura at mga magagandang tanawin na ipinagmamalaki ng tinaguriang South Korea’s Beverly Hills.

Huwag magpapahuli at tumutok sa Hallypop sa GMA Affordabox at iba pang digital TV receivers!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Mga kwento sa likod ng controversial videos, tatalakayin sa napapanahong serye nina Jake Cuenca, Dimples Romana, at Charlie Dizon

GMA Now, all-out ang grand launch ngayong Linggo!