in

Kapuso Month, arangkada na! Asahan ang bagong mga programang magpapasaya at magpapakilig

Ngayong buwan ng mga puso, maraming inihandang regalo ang GMA Network para sa mga manonood — mga bagong programang tiyak na magpapasaya at magpapakilig!

Sa darating na weekend, back-to-back shows ang maghahatid ng saya sa mga manonood. Simula Sabado, Pebrero 6, tunghayan ang bagong game show na ‘Catch Me Out Philippines’ na pangungunahan nina Jose Manalo at ng regular Celebrity Spotters na sina Kakai Bautista at Derrick Monasterio. Tuwing Linggo naman simula Pebrero 7 ay muli nang masasaksihan ang world-class singing competition for kids na ‘Centerstage,’ hosted by Asia’s Multimedia Star Alden Richards.

Handog naman ng GMA Heart of Asia sa Lunes, Pebrero 8, ang top-rating South Korean drama na ‘The Romantic Doctor 2.’

Kasabay ng pagdiriwang ng Valentine’s Day sa Pebrero 14, masasaksihan na rin ng viewers ang GMA News TV show na ‘Game of the Gens’, isang comedy game show para sa lahat ng henerasyon hosted by Sef Cadayona and Andre Paras. 

Abangan din ang tambalang Benjamin Alves at Lovi Poe sa romantic comedy series na ‘Owe My Love’ ngayong Lunes, Pebrero 15 sa GMA Telebabad. 

Pakatutukan din sa Pebrero 16 ang GMA News and Public Affairs show na ‘On Record’ nina Oscar Oida at Mav Gonzales.

Tampok naman sa GMA News TV sa Pebrero 21 ang bagong cooking show na ‘Farm to Table’ na pinangungunahan ni Chef JR Royol.

Handa na sina Pauline Mendoza, Carmina Villaroel, John Estrada, at marami pang iba na paigtingin ang hapon sa GMA Afternoon Prime series na ‘Babawiin Ko Ang Lahat’ sa darating na Pebrero 22.

Huwag na huwag ding palalampasin ang pinakabagong handog ng Network para sa loyal fans nito dahil ilulunsad na ngayong Pebrero 7 sa All-Out Sundays ang mobile digital TV receiver na ‘GMA Now’.

Tutok lang sa GMA para hindi mahuli sa latest updates at offerings ngayong Kapuso month!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘The House Arrest of Us’ ng KathNiel, numero uno sa Netflix

Mga kwento sa likod ng controversial videos, tatalakayin sa napapanahong serye nina Jake Cuenca, Dimples Romana, at Charlie Dizon