in

Ilang showbiz personalities, hooked na rin sa ‘The Lost Recipe’

Hindi na talaga nagpapa-awat ang karisma ng The Lost Recipe dahil maging Kapuso stars at ibang showbiz personalities ay hindi mapigilang mapabilib at sumubaybay GMA News TV series na pinagbibidahan ng mga kaibigan nilang sina Mikee Quintos at Kelvin Miranda. 

Isa na nga sa mga ito si Benjamin Alves na sa trailer palang ng fantasy-romance series ay manghang-mangha na. “Kudos to The Lost Recipe – the cinematography is amazing!” aniya.

Pati ang batikang direktor na si Direk Jose Javier Reyes nagpahayag rin ng paghanga sa programa. Ayon sa kanya, “This is the best GMA pilot I have seen for the longest time.”

Consistent pa rin sa pangunguna sa Philippine top trending topics ang The Lost Recipe. Maganda rin ang mga review sa serye ng GMA Public Affairs. Maging sa ratings game ay patuloy ang pag-arangkada nito. 

Subaybayan ang mas kapana-panabik na kuwento ng The Lost Recipe, 8:00 p.m., sa GMA News TV.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Alden Richards, excited na sa virtual set ng ‘Centerstage’

Jonathan Manalo, isa sa mga kinilala sa unang Sudi Awards ng NCCA