in

Ruru Madrid at Shaira Diaz, dagdag kilig sa ‘The Lost Recipe!’

Ibang klaseng kilig ang hatid ng Lolong lead stars na sina Ruru Madrid at Shaira Diaz sa trending GMA Public Affairs fantasy-romance series na The Lost Recipe na pinagbibidahan nina Mikee Quintos at Kelvin Miranda.

Sa kanilang guest appearance sa GMA News TV primetime series, gumaganap sina Ruru at Shaira bilang Jordan at Julienne–isang couple na naghahanap ng caterer para sa kanilang nalalapit na kasal. Magtatagisan ng galing sa kusina sina Chef Harvey (Kelvin) at Chef Ginger (Thea Tolentino). 

Siyempre, di magkamayaw ang fans nina Ruru at Shaira. Sweetness overload nga raw dahil dagdag pa sila sa chemistry ng tambalang MiKel nina Mikee at Kelvin. 

Ibang level din kiligin ang kanilang ShaiRu shippers dahil napasama agad sa trending topic sa Twitter Philippines ang #ShaiRuONTLR noong nabalitaan nila ang cross-over ng dalawang Lolong stars.

“#ShaiRuOnTLR made it to the top trending topics on Twitter last night. Hindi niyo kami binigo sa kilig crossover namin ni Shaira sa The Lost Recipe. Maraming salamat, Shaira Diaz Forever at syempre sa Rurunatics!,” ani ni Ruru sa kanyang Facebook. 

Marami pa raw aabangan sa The Lost Recipe, kaya huwag itong palampasin tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8 p.m., sa GMA News TV. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Lovi Poe at Benjamin Alves, malapit nang magpakilig sa ‘Owe My Love’

KVN, naghihintay na masagot ang tanong na ‘Pwede Na Ba’ sa bagong kanta