in

Tambalan nina Meg Imperial at Arvic Tan sa pelikulang ‘Sana All’

Inihahandog ng Viva Films at ng BluArt Production ang bagong tambalan nina Meg Imperial at Arvic Tan sa pelikulang “Sana All” na tumatampok sa Adams, isa sa mga nakaaakit na lugar sa Ilocos Norte, at sa tapuey, isang uri ng alak.

Si Meg Imperial ay gumaganap bilang Iyam, apo ni Lola Ingga (Lita Loresca), ang tinuturing na alamat sa paggawa ng tapuey sa bayan ng Adams. Si Iyam ang magpapatuloy ng kanilang negosyo ngunit hindi pasado kay Lola Ingga ang kanyang ginagawang tapuey. Ayon kay lola, kulang ito ng mahalagang sangkap, at iyon ay ang “passion”.

Nakagawa na si Iyam noon ng matamis na tapuey kaya naniniwala sina Lola Ingga at Timo (Pio Balbuena), pinsan ni Iyam, na manunumbalik ang kanyang passion kung ito ay magkakaroon ng love life. Hindi naman ito papansinin ni Iyam.

Si Arvic Tan ay gumaganap bilang Syd, taga-Manila na naghahanap ng pinakamatamis na tapuey. Kasama ng kanyang kaibigang si Joan (Andrew Muhlach), sila ay mapapadpad sa Adams kung saan makikita niya muli si Iyam. Unang nagkakilala ang dalawa sa La Union kasama sina Timo at Joan.

Nagkaroon ng sigla ang buhay ni Iyam sa pagdating ni Syd, at ikinatuwa naman ito nina Lola Ingga at Timo. Ngunit habang nagsisimula pa lang na tumaya si Iyam sa pag-ibig, matutuklasan niya na may iba pang motibo si Syd sa panliligaw sa kanya.

Ang “Sana All” ay mula sa direkyson ni Bona Fajardo na siya ring gumawa ng “My Bakit List” (2019), “Hanggang Kailan” (2019), “Kahit Ayaw Mo Na” (2018), and “I Found My Heart in Santa Fe” (2017), mga pelikulang nagpapakita ng magagandang lugar dito sa Pilipinas at sa ibang bansa.

Nahikayat si Meg na gawin ang pelikulang ito para matuklasan ang ganda ng Adams at matutunan ang kultura ng mga taga-rito. Masaya rin siyang muling makatrabaho si Arvic matapos ang maraming taon. Nagkasama ang dalawa noong 2011 sa teleseryeng “Bagets: Just Got Lucky” sa TV5, at noong 2013 sa “Menor de Edad”, ang launching movie ni Meg.

Dahil sa kanyang mahusay na pagganap sa “Menor de Edad”, si Meg ay nagtamo ng nominasyon para sa New Movie Actress of the Year sa Star Awards for Movies. Makalipas ang tatlong taon, nominado naman siya para sa Best Supporting Actress sa FAMAS Awards para sa pelikulang “Higanti”.

Ngayon, si Arvic naman ang pinakikilala bilang leading man. Nakatrabaho na niya sina Bela Padilla sa “100 Tula Para Kay Stella” at Nadine Lustre sa “Indak”.

Ang “Sana All” ay palabas na sa mga sinehan sa Pebrero 5, 2021 at paparating na rin sa Vivamax.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Yassi Pressman, nagpaalam na kay Coco Martin sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

YouTube at ABS-CBN Music, may libreng Valentine’s Concerts tampok sina Jona at Juris Fernandez