in

Pag-dedicate ng Music Video at mensahe para sa Special Someone, libre sa ‘Love on MYX’

Pagkakataon nang maiparating ng mga manonood ng MYX Philippines ang espesyal na mensahe para sa kanilang minamahal sa nalalapit na Valentine’s Day sa special segment nitong “Love on MYX” na eere sa Pebrero 14 (Linggo).

Para sa mga nagdadalawang-isip sa pagpaplano ng engrandeng Valentine’s Day surprise para sa mga karelasyon nila dahil sa pandemya, pwedeng mag-request ng music video at magpahatid ng mensahe sa “Love on MYX” na mapapanood sa araw ng mga puso.

Pwede ring magparamdam ng pag-ibig, umamin sa crush, magpahayag ng pagsisisi sa ‘the one that got away,’ o mag-spread ng love sa pagti-tweet gamit ang hashtag na #LoveOnMYX na ire-retweet ng @MYXphilippines account na may 6.7 million followers na sa kasalukuyan.

Sa mga interesadong magpadala ng music video requests para sa Valentine’s special na “Love on MYX,” sagutan lang ang form na ito: bit.ly/LoveOnMYX2021.

Ipagsigawan na ang pagmamahal mo sa iyong special someone sa #LoveOnMYX! Mapapanood ang MYX sa SKYcable channel 23. Para sa iba pang detalye, sundan ang MYX Philippines sa Facebook (www.facebook.com/MYX.Philippines), Twitter (@MYXphilippines), at Instagram (@myxph). 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

ABS-CBN, Star Magic, hindi magdadalawang isip na gumamit ng ligal na aksyon laban sa nagpapakalat ng mga pekeng litrato nina Sue Ramirez at Maris Racal

Iñigo Pascual aawitin ang Air Supply classic na ‘All Out of Love’