in

Zoren Legaspi, paglalaba ang exercise ngayong naka-quarantine

Gaya ng karamihan sa atin na stuck at home at hindi makalabas dahil sa ipinatupad na enhanced community quarantine, masugid din na tinatrabaho ni Bilangin ang Bituin sa Langit star Zoren Legaspi ang mga gawaing bahay gaya na lamang ng paglalaba.

Pero ibahin n’yo si Zoren dahil imbes na gumamit ng washing machine, old fashion way ng paglalaba gamit ang kanyang mga paa ang paraan ng Kapuso actor.

Ayon pa kay Zoren, hindi lang matuturing na paglalaba ang kanyang ginagawa kung hindi dagdag exercise na rin. “Old school laba… cardio workout. Hindi porket naka-hanger sa cabinet eh malinis na!,” saad ni Zoren.

Hindi naman pinalagpas ng netizens na ihalintulad ang paraan ng paglalaba ng aktor sa kanilang mga magulang at lolo’t lola, “Haha looks fun tatay! Ganyan maglaba ang lola ko!”

Dahil tigil muna sa taping ang kanilang serye na Bilangin ang Bituin sa Langit, itinutuon ni Zoren ngayon ang kanyang oras sa pagpapa-abot ng tulong sa mga pamilyang apektado ng COVID-19 pandemic sa pamamagitan ng pamamahagi ng relief goods katuwang ang asawang si Carmina Villarroel at mga anak na sina Cassy at Mavy Legaspi.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

GMA Network, waging muli sa New York Festivals

Rhian Ramos at nobyong si Amit Borsok, ibinahagi ang kanilang daily quarantine routine