in

Lovely Abella, ikinasal na!

Ganap na Mrs. Manalo na ang Bubble Gang star na si Lovely Abella! Kahapon, ikinasal na sila ng actor-comedian na si Benj Manalo sa isang garden-themed wedding sa Quezon City.

Inanunsyo ito ng aktres sa kaniyang Instagram post kung saan kita ang kanilang naging intimate na ceremony. Bumuhos naman ang mga pagbati sa comments section niya. Ilan sa well-wishers ang kapwa Kapuso stars ni Lovely na sina Primetime Queen Marian Rivera, Carla Abellana, Iza Calzado, Barbie Forteza, Rodjun Cruz, Rita Daniela, at mga kaibigan at katrabaho ni Lovely sa Bubble Gang na sina Kim Domingo, Chariz Solomon, Valeen Montenegro, at Arny Ross.

Samantala, patuloy ring napapanood si Lovely sa ‘Ladies Room’ segment ng GMA Entertainment comedy channel na YouLOL.

Congratulations, Kapuso!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Centerstage,’ inaabangan na ang pagbabalik

ABS-CBN, Star Magic, hindi magdadalawang isip na gumamit ng ligal na aksyon laban sa nagpapakalat ng mga pekeng litrato nina Sue Ramirez at Maris Racal