Isang Facebook account na may pangalang Marian Rivera Dantes ang kumakalat na namimigay diumano ng PhP 5,000 “para sa lahat ng Kapuso.”
Isinulat pa nito na ang aktres mismo ang nagha-handle ng account at kailangan lamang siyang i-message para makatanggap ng inaalok nitong cash donation.
Pinabulaanan ito ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera at sinabing, “Pawang kasinungalin po ito! FAKE!!!”
Halos pareho ang nangyari sa ‘Daddy’s Gurl’ actress na si Maine Mendoza. Ginamit din ang pangalan niya upang gumawa ng pekeng Facebook account para makapanloko ng netizens.
Paalala ng manager nina Marian at Maine na si Rams David sa kanyang Instagram post, “Mag-iingat po tayo sa mga fake promos at fake accounts.”