in

Arra San Agustin, na-biktima ng stalker!

Biktima ng isang stalker ang karakter na bibigyang-buhay ni Arra San Agustin sa upcoming episode ng Tadhana ngayong Sabado (January 23) kasama sina Jeric Gonzales at Martin del Rosario.

Mula noong nagdalaga si Bianca (Arra) ay napansin na niyang panay away ang inatupag ng kanyang mga magulang. Dahil dito, napilitan siyang tumigil sa pag-aaral at nagtrabaho bilang isang barista. Doon niya nakilala ang matalik niyang kaibigan na si Ion (Jeric) na nagkaroon ng lihim na pagtingin sa kanya. Aamin na sana si Ion kay Bianca ngunit naunahan siya ng loyal customer ng pinagtatrabahuang coffee shop na si Luis (Martin).

Perfect na sana ang love story nila kaso may misteryosong lalake na laging kinukunan ng litrato at video si Bianca. Sino kaya ito?

‘Yan ang dapat abangan ngayong Sabado sa Tadhana, hosted by Marian Rivera, 3:15 p.m. sa GMA-7.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Kim de Leon at Lexi Gonzales kampante na sa isa’t isa!

Joross Gamboa at Roxanne Guinoo, kinakikiligan pa rin sa ‘Hoy, Love You!’ ng iWantTFC