in

Hindi lang trending… ‘The Lost Recipe,’ tinututukan gabi-gabi!

Parang adobong hinahanap-hanap at binabalik-balikan. Parang ganito ang GMA Public Affairs fantasy-romance series na The Lost Recipe na gabi-gabi ay trending sa social media at inaabangan ng viewers.

Patok nga sa panlasa ng viewers ang tambalang Mikee Quintos at Kelvin Miranda o MiKel na bida sa bagong putaheng ito ng GMA News TV. Simula pilot episode nito noong Lunes ay nasa top spot ng trending topics sa Twitter ang serye, patunay na may hatak ang chemistry nina Mikee at Kelvin bilang Apple at Harvey. 

Ang ilang netizens nga, nagre-request na sa GMA News TV ng recap ng pilot week ng serye dahil gusto raw nila itong ulitin sa simula. Marami rin ang nagre-request na sana raw ay mai-upload na online ang episodes.

Lagi ring pinupuri ng viewers ang ganda ng cinematography ng serye at ang pag-feature sa mga pagkaing Pinoy tulad nga ng adobo. Nakatutuwa rin daw na dahil sa time travel element ng kuwento ay tila may field trip din sa panahon ng mga Kastila kung saan napadpad ang karakter ni Harvey.

Relate na relate rin ang mga aspiring chef sa kuwento ng The Lost Recipe habang ang ilan ay nagbibirong dapat daw busog ka kapag nanuod ka ng seryeng ito dahil nakakagutom ang mga eksena.  

Mukhang marami pang dapat abangan sa The Lost Recipe dahil nagsisimula pa lang ang pagku-krus ng landas nina Apple at Harvey. Nariyan din ang karakter nina Paul Salas bilang BFF ni Apple na si Frank at Thea Tolentino bilang Ginger na mukhang magiging tinik sa buhay nina Apple. 

Panoorin ang The Lost Recipe, 8 p.m., Monday to Friday, sa GMA News TV.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

John Estrada at Ellen Adarna, sweet couple na sa ‘John En Ellen’ ng TV5

‘All-Out Sundays,’ may dalang good-vibes at all-out performances ngayong Linggo