in

John Estrada at Ellen Adarna, sweet couple na sa ‘John En Ellen’ ng TV5

MANILA. 21, January 2021 – #CoupleGoals at #RelationshipGoals ang peg nina John Estrada at Ellen Adarna bilang mag-asawa sa pinakabagong weekend sitcom ng TV5, produced by Cignal Entertainment, ang John En Ellen na mapapanood na simula ngayong Linggo, Enero 24.

Bagong klase ng family entertainment ang John En Ellen bilang family sitcom na hindi lang magbibigay ng katatawanan at aliw sa mga manonood kundi magbibigay halaga din sa pagtitibay ng samahan ng bawat pamilya.

Umiikot ang kuwento ng John En Ellen sa buhay ng mag-asawang John Lennon Kulantong (John Estrada) at Ellen Kulantong (Ellen Adarna) at kung paano nila maitataguyod ang kanilang munting pamilya sa kabila ng pakikialam ng mayamang negosyanteng si Don Lucky dela Suerte (gagampanan ng veteran actor na si Ronaldo Valdez), ang big shot na ama ni Ellen na kontrapelo sa mga plano ni John para sa kaniyang pamilya.

Kasama din sa magbibigay aliw sa John En Ellen sina Long Mejia bilang Ynigo Tange, ang pilyong assistant ni Don Lucky; Haiza Madrid bilang Mimi, ang trusted nurse ni Don Lucky; at sina Yogo Singh at Angelina Cruz bilang mga anak nina John at Ellen na sina Valentino Kulantong at Camille Kulantong.

Ang John En Ellen ang comeback project ni Ellen Adarna matapos ang halos tatlong taon na pamamahinga niya sa showbiz. Kakaibang Ellen ang matutunghayan ng mga manonood sa bagong sitcom na ito dahil sa bagong image niya bilang isang mapagmahal na ina at loyal na asawa.

Para kay John Estrada ang John En Ellen ang nagbabalik sa kanya sa kanyang comedy roots at dito niya ipapakita ang kaniyang versatility sa pagganap sa role ng isang mapag-alagang tatay at mapagmahal na asawa.

Abangan ang pagsisimula ng kuwento ng Kulantong family at tutukan ang kanilang mga adventures and misadventures sa John En Ellen tuwing Linggo simula ngayong Enero 24, 7PM sa TV5. Mapapanood din ito sa Cignal TV channel 202 HD at channel 60 SD.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Mga first-time ‘Himig’ interpreters, ibinahagi ang halaga ng pagsali sa kompetisyon

Hindi lang trending… ‘The Lost Recipe,’ tinututukan gabi-gabi!