in

Eugene Domingo, gaganap na surgeon sa ‘Dear Uge Presents’

Isa na namang exciting fresh episode ang hatid ng award-winning comedy anthology na ‘Dear Uge Presents’ tampok si Eugene Domingo ngayong Linggo (January 24). 

Si Dra. Cielo (Eugene) ay isang well-known reconstructive surgeon. Nasa kanya na ang lahat — a booming career, fame, at isang napakagwapong asawa (Wendell Ramos).

Ngunit napapansin niyang niloloko na siya ng kanyang asawa at napag-alaman pa niya na may kabit ito na si Honey (Patricia Ismael). Sa kasamaang palad, nadamay sa isang car accident si Honey at nasira ang buong mukha. 

Tila nananadya ang tadhana kay Cielo dahil siya pa ang naatasang gawin ang reconstructive surgery ni Honey. Gamitin kaya ni Cielo ang oportunidad na ito para maghiganti sa kanyang asawa? 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Bagong Boys’ Love tandem, magpapakilig sa Thai series na ‘A Tale of Thousand Stars’ sa iWantTFC

‘Win Jaime’s Heart,’ panalo dahil sa laplapan!