in

Jose Manalo, Kakai Bautista at Derrick Monasterio, tampok sa ‘Catch Me Out Philippines’

Kakaiba at kwelang trio ang dapat abangan ng Kapuso viewers sa pinakabagong reality game show na ‘Catch Me Out Philippines’ na pinangungunahan nina Jose Manalo, Kakai Bautista, at Derrick Monasterio bilang Celebrity Spectators.

Hango sa sikat at exciting na entertainment program sa United Kingdom, bibida sa ‘Catch Me Out Philippines’ ang mga ordinaryong tao na magpapakitang gilas at makikipagsabayan sa mga totoong propesyonal sa iba’t ibang larangan. Upang manalo, kinakailangan nilang mapaniwala ang celebrity guest judge sa bawat pagtatanghal na hindi sila ang nagpapanggap na contestant.

Samantala, kahit ito ang unang pagkakataon na magkakasama-sama bilang hosts sina Jose, Kakai, at Derrick, aminado ang tatlo na hindi naging mahirap makapalagayan ng loob ang isa’t isa. 

“Off-cam para na kaming mga matagal nang magkakakilala. ‘Yun ‘yung kagandahan. Hopefully makita ng mga tao ‘yung bond namin,” ani Derrick.

Ayon naman kay Kakai, “I think this will be a very refreshing series. Ito kasi ‘yung first time na I am one of the leads of the show. Sobrang bago nito sa akin at napaka-positive niya.” 

Inihalintulad naman ni Jose kina Wally Bayola at Paolo Ballesteros ng Eat Bulaga ang samahan nilang tatlo nina Kakai at Derrick, “Sa ‘Bulaga,’ ang kasama ko JoWaPao, pero itong dalawa na ‘to parang ‘yun ding mga kasama ko. Hindi ko alam kung sino si Wally, kung sino si Pao sa dalawa pero napakagaling nung drive nila. Parehong magaling.” 

Abangan ang Catch Me Out Philippines simula February 6 na sa GMA-7. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Centerstage,’ magbabalik-telebisyon na!

Richard Yap, makaka-bonding ng Legaspi family sa ‘Sarap, ‘Di Ba?’