in

Manolo Pedrosa, thankful sa bumubuo ng ‘Babawiin Ko Ang Lahat’

Naging maayos at memorable ang first ever lock-in taping experience ni Kapuso actor Manolo Pedrosa para sa upcoming GMA Afternoon Prime series na ‘Babawiin Ko Ang Lahat.’ 

Pag-amin ni Manolo, sa simula raw ay hindi niya maiwasang makaramdam ng anxiety lalo pa at ito ang kauna-unahan niyang pagsabak sa lock-in taping at nagtagal ito ng isang buwan. 

Kaya naman malaki ang pasasalamat ni Manolo sa production team, crew, at kanyang co-stars sa pagpapagaan ng loob niya sa kabila ng nakakapanibagong work conditions. 

Sa isang Instagram appreciation post ay pinasalamatan ng aktor ang bumubuo ng serye, “Being stuck with each other for a month, I am grateful that everyone—cast, prod & crew—was so friendly and accommodating despite complicated work conditions.”

Special mention din sa post ang kanyang co-stars na sina Pauline Mendoza, Kristoffer Martin, Dave Bornea, Therese Malvar, at Liezel Lopez. 

Aniya, “Special shout out to this group right here, thank you for making this experience fun and it making it so much less stressful than I expected it to be. We’re a team, we supported each other, and we did it!” 

Malapit nang mapanood ang ‘Babawiin Ko Ang Lahat’ sa GMA-7.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Eydie Waw’ at ‘The Wawettes,’ bagong paandar na karakter ni Ogie Alcasid sa kantang ‘Maga Ako, Manas Ako’

Dina Bonnevie, may nadiskubre kay Jay Manalo