Trending topic ulit ang virtual reality concert ni Alden Richards matapos ang pag-ere nito sa telebisyon nitong Linggo (January 17) via “Alden’s Reality: The TV Special.”
Maraming Kapuso viewers ang talagang nag-request na mapanood ang sold-out virtual concert ng Asia’s Multimedia Star na ginanap last Dec. 8. Matatandaang noong mismong gabi ng concert ay trending ang #AldensReality sa Twitter.
Last Sunday night nga, pasok sa Philippines trends list ang official hashtag nito na #AldensRealityTheTVSpecial. Usap-usapan ang performances ni Alden kasama ang kaniyang special guests na sina Rodjun at Rayver Cruz at bandang December Avenue. Pati mga Kapuso abroad ay tumutok din via GMA Pinoy TV.
Ang “Alden’s Reality” ay produced ng GMA Synergy at handog ni Alden sa kanyang fans sa kanyang ika-10 taon sa showbiz.