Isa nang opisyal na Kapamilya ang award-winning actress na si Janine Gutierrez matapos niyang pumirma ng kontrata sa ABS-CBN ngayong Biyernes (Enero 15).
Bilang Kapamilya, makakaasa ang fans ni Janine na malapit na siyang mapanood sa musical variety show na “ASAP” bilang host, at nakatakda rin siyang gumawa ng teleserye sa Dreamscape Entertainment at pelikula naman sa Star Cinema.
Dumalo naman sa contract signing ni Janine sina ABS-CBN group financial officer Rick Tan, chief operating officer of broadcast at head of Creative Programs, Inc. na si Cory Vidanes, ABS-CBN president at CEO na si Carlo Katigbak, ABS-CBN chairman na si Mark Lopez, Dreamscape Entertainment head na si Deo Endrinal, at ang manager ng aktres na si Leo Dominguez.