in

Mark Herras at Anna Vicente, tampok sa ‘#MPK’ ngayong Sabado

Pagbibidahan nina Mark Herras at Anna Vicente ang bagong episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman ngayong  Sabado, January 16.

Gaganap si Anna bilang Rose, isang dalagang makikipagsapalaran sa Maynila habang si Mark naman si Benji, isang guwardiya sa subdivision kung saan namamasukan si Rose.

Manliligaw si Benji kay Rose pero tatanggihan siya ng dalaga. Dahil hindi niya matanggap ang pagtanggi ni Rose sa kanya, magagawa ni Benji na dukutin ang dalaga at pagsamantalahan ito. 

Magiging tampulan ng tsismis ang nangyari kay Rose kaya aatakihin sa puso ang kanyang ama. Mag-aalok naman si Benji ng tulong sa pagpapagamot nito kapalit ng pag-urong ni Rose ng kaso. Bukod dito, aalukin pa niya ng kasal si Rose para patunayan ang kanyang tunay na pag-ibig para sa dalaga.

Paano magagawang makisama ni Rose taong nagsamantala sa kanya?

Abangan ‘yan sa #MPK na pinamagatang “I Married My Rapist” ngayong Sabado, January 16, 8pm sa GMA-7. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Ika-6 Na Utos,’ kaabang-abang ulit ang pagwawakas

LoiNie series, Jerry Yan romcom, at ‘Hello Stranger’ movie, unang patikim ng iWantTFC ngayong 2021