in

Trailer ng ‘The Lost Recipe’ ng GMA News TV, world class ang datingan!

“Trailer pa lang, maganda na. Ano pa kaya ang mismong show?” Ganito ang karamihan sa feedback ng netizens sa full trailer ng upcoming fantasy-romance series na The Lost Recipe na ni-reveal nitong Miyerkules.

Sa Lunes (Jan. 18) na nga mapapanuod sa GMA News TV ang GMA Public Affairs-produced series na pagbibidahan nina Mikee Quintos at Kelvin Miranda. 

Kaabang-abang nga naman talaga kung paano ang magiging kuwento ng karakter nina Kelvin bilang Harvey at Mikee bilang Apple kasama ang iba pang cast members. 

Wish nina Kelvin na magustuhan ng viewers ang handa nilang bagong putahe sa primetime. “Sana po ay mahalin ninyo ang bawat karakter na makikilala ninyo dito sa show namin,” ani Kelvin. 

Dagdag naman ni Mikee, “Dapat ready na kayong makikalala ang mga characters na magpapabusog ng hindi lang mga stomach ninyo kundi pati na puso at isipan ninyo.”

Mapapanuod na ang The Lost Recipe ngayong Lunes (January 18), 8 p.m, sa GMA News TV! 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Radio Romance’ muling magpapakilig ng mga manonood Sa KTX.ph

John Estrada, hanga sa acting ni Pauline Mendoza sa ‘Babawiin Ko Ang Lahat’