in

Ken Chan, handa na sa lock-in taping ng ‘Ang Dalawang Ikaw’

Ready na ang Kapuso actor na si Ken Chan sa unang cycle ng lock-in taping ng pagbibidahang Kapuso series na ‘Ang Dalawang Ikaw.’ 

Sa Instagram story ng aktor kahapon, ibinahagi ni Ken ang taping essentials na dadalhin niya. Makikita rito ang storage boxes na may lamang pagkain at toiletries, pati na rin ang tatlong maleta para sa kanyang mga damit. 

Ani Ken, siya mismo ang nag-ayos ng kanyang mga gamit na dadalhin sa lock-in taping, at “excited” at “looking forward” na raw siya rito.

Bukod sa paghahanda ng kanyang taping essentials, lubos ding pinaghahandaan ni Ken ang kanyang role bilang si Nelson, isang lalaking may dissociative identity disorder o DID.

Makakatambal ni Ken sa Ang Dalawang Ikaw si Rita Daniela.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

YouLOL, may 300K subscribers na!

Jong Madaliday, pinasalamatan ng singer-songwriter na si Maximillian