in

Drew Arellano, tuloy pa rin ang K-Pop experience

Bagong taon, bagong biyahe kasama ang Biyahe ni Drew!

Ngayong Biyernes (January 8), kahit may pandemic ay hindi magpapapigil si Drew Arellano sa kaniyang pag-biyahe sa South Korea from the comforts of his own home.

Samahan si Drew sa kanyang Biyaheng K-Pop kung saan magte-take siya ng dancing lessons sa tulong ng Korean Cultural Center. Magkakaroon din ng virtual tour si Drew sa fifth tallest building in the world—ang 556 meters na Lotte World! May healing walk pang mae-enjoy kasama ang alpacas ng Alpaca World.

Hindi kumpleto ang biyahe kung walang food trip. Kaya naman tikman ang authentic Korean dish na sweet Korean pancakes na kayang-kayang lutuin sa loob ng bahay.

Abangan lahat ng ito sa Biyahe ni Drew ngayong Biyernes, 10 p.m. sa GMA News TV!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Bianca Umali, feeling blessed at excited sa role sa ‘Legal Wives’

Kababalaghang itinakda ng kapalaran, mananakot na sa ‘Horrorscope’ ng iWantTFC