Tampok sa next episode ng real-life drama anthology na #MPK ang madamdaming kuwento ng isang nanay na hirap magbuntis.
Gagampanan ng Kapuso actress na si Rochelle Pangilinan ang buhay ni Emily, habang si Mike Tan naman ang gaganap bilang nobyo niyang si Rommel. Maaga sanang nagbunga ang kanilang pagmamahalan ngunit sa kasamaang palad ay nalaglag ang ipinagbubuntis ni Emily.
Matutuklasan nila kalaunan na ito ay sanhi ng kaniyang “incompetent cervix,” kung saan mahina ang mga tissue sa cervix na nagdudulot ng premature birth o pagkalaglag ng ipinagbubuntis.
Sa kagustuhan niyang magkaroon ng sariling anak, magagawa ni Emily na magnakaw sa pinagtatrabahuhan. Abangan ang kaniyang kahihinatnan sa bagong episode na “Krimen ng Isang Ina” ngayong Sabado, January 9, 8:00 pm sa ‘#MPK.’