in

Tom Rodriguez, kumasa sa “Boyfriend Does My Makeup Challenge”

Request granted para sa fans ng TomCar dahil kumasa na si Tom Rodriguez sa “Boyfriend Does My Makeup Challenge” ni Carla Abellana.

Sa latest YouTube video ng aktor, ipinakita ng ‘Love of my Life’ stara ang challenge kung saan “glam” ang look na gagawin niya. Sey ni Carla, “Hindi siya nakapag-prepare. Sa totoo lang hindi siya nag-research, hindi siya nanood ng tutorial videos. Wala siyang research, wala siyang inaral on the spot lahat ito.

Challenge talaga yan for him na walang preparation, walang pag-aaral whatsover.”

Naaliw naman ang subscribers dahil bagay na bagay at napaka-sweet raw nila sa isa’t isa. Sana daw ay more videos together pa ang i-upload ng couple.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Lovi Poe, miss na ang pag-arte!

Sketch ni Kim Domingo, most viewed ‘Bubble Gang’ video sa YouTube