in

Kapuso stars, nagbigay ng ‘PaGMAmahal para sa Frontliners’

Inilunsad kahapon ng GMA Network ang kanilang mensahe para sa mga tinuturing na bayani sa kinakaharap ngayon na COVID-19 pandemic ng buong mundo.

Nakiisa ang mga Kapuso stars na sina Marian Rivera, Dingdong Dantes, Gabby Concepcion, Rhian Ramos, Pancho Magno, Sanya Lopez, Migo Adecer, at marami pang iba sa paghatid ng pasasalamat sa mga kababayang araw-araw nalalagay sa pahamak ang buhay para sa kapakanan ng bansa, “Sa mga doctor, nurse, medical practicioners, sundalo, pulis, first responders, security personnel, maintenance crew, janitors, garbage collectors, bank employees, supermarket employees, drivers, delivery men, cooks, chefs, restaurant employees, farmers, factory workers, at lahat ng fronliners–kayo ang tunay na bayani.”

Saludo ang mga Kapuso sa inyo! Maaari ninyong mapanood ang inspirational video na ito sa official na social media pages ng GMA.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Audio clip na kumakalat, hindi boses ni Jessica Soho

Lovi Poe, miss na ang pag-arte!