Bagong tandem sa pagbabalita ang mapapanood gabi-gabi sa GMA News TV flagship program na State of the Nation kasama ang award-winning journalists na sina Atom Araullo at Maki Pulido.
Parehong bihasa sina Atom at Maki sa news reporting at marami na rin silang mga tumatak na coverage sa ilang taon nila bilang journalists. Si Atom, naging mukha ng pioneering mobile newscast na “Stand for Truth” na napapanuod online. Si Maki naman, naging news anchor ng dating newscast ng GMA News TV na “Balita Pilipinas Ngayon.” Napapanuod din silang humahalili sa ibang Kapuso news anchors kapag hindi sila nagre-report mula sa field. Patuloy rin sina Atom at Maki sa paghakot ng awards sa mga dokyung ginagawa nila. Kaya naman tiyak kaming kumpiyansiya ang GMA News pillar na si Jessica Soho na ilipat sa kanilang pangangalaga ang State of the Nation.
Excited na kaming makita ang pagsasanib-puwersa nila Atom at Maki simula ngayong Lunes (Jan. 4). Mapapanood ang State of the Nation, weeknights, 9:15 p.m., sa GMA News TV.