in

Julie Anne San Jose, excited maka-eksena si David Licauco

Sa muli niyang pagsabak sa acting, masayang ibinahagi ng Asia’s Pop Diva na si Julie Anne San Jose ang kaniyang excitement sa magiging role sa upcoming series sa GMA News TV na ‘Heartful Cafe.’

Nakatakdang ipalabas ang nasabing serye sa 2021 at makakatambal ni Julie rito ang Kapuso actor na si David Licauco. Makakasama rin nila ang iba pang Kapuso stars kabilang na sina Zonia Mejia, Jamir Zabarte, Andre Paras, at marami pang iba.

Gaganap si Julie bilang si Heart Fulgencio, isang online romance novelist at coffee enthusiast na nagmamay-ari ng The Heartful Café, isang cozy coffee shop.
Sa nakaraan niyang interview sa 24 Oras, ikinuwento niya na excited na siyang maka-eksena si David, “I’m looking forward din sa mangyayari sa tapings namin and of course I’m also looking forward to working with new people. It’s a very light show. Sobrang ganda ng story and sobrang exciting.

Dito rin namin malalaman kung ano ‘yung capability ng team-up namin ni David. I’m also looking forward kung ano ba ‘yung kayang mai-offer ng team up.”
Abangan ang ‘Heartful Cafe’ soon on GMA News TV!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Ken Chan, may panibagong pangarap na natupad

Power Block ng GMA Public Affairs, balik-GMA na!