Kinilala ang ilang GMA News personalities bilang mga “Bayaning Pilipino” para sa kanilang di matatawarang serbisyo at pagtulong sa ating mga kababayan sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Sa larangan ng TV, pinangunahan ng 24 Oras anchor at Wish Ko Lang! host na si Vicky Morales ang mga tumanggap ng “Bayaning Pilipino Frontliners” award sa katatapos lang na 15th Gawad Filipino Awards. Kabilang din ang 24 Oras Weekend at Unang Balita anchor na si Ivan Mayrina sa mga nanalo sa awarding ceremonies na ginanap nitong Linggo, December 27. “Bayaning Pilipino Frontliners” din ang turing sa GMA News reporters na sina Mariz Umali at Saleema Refran.
Pinarangalan din ang mga DZBB anchors na sina Joel Reyes Zobel at Ali Sotto ng “Bayaning Pilipino Frontliners” award para sa kanilang dedikasyon sa pagbibigay ng balita at impormasyon sa gitna ng pandemya. Kinilala namang “Hero Journalist of the Year” ang DZBB reporter na si Mark Makalalad.
Congratulations, Kapuso!