in

Boobay at Tekla, makikisaya sa ‘Sarap, ‘Di Ba?’

Tiyak na bubuhos ang katatawanan ngayong Sabado (December 19) sa ‘Sarap, ‘Di Ba?’ dahil makikisaya ang kuwelang tandem nina Boobay at Tekla na may hatid na maagang Pamasko para sa viewers. 

Habang may sariling bonding time sina Carmina Villarroel, Mavy, Casy at Zoren Legaspi sa kanilang tahanan, bibisitahin naman ni Tekla si Boobay sa kanyang condo para sa isang masayang get together at catching up. 

Maglalaro rin ang ‘The Boobay and Tekla Show’ hosts ng masayang personality switch game at matapang na sasagot sa mga nakakaintrigang katanungan. Bukod pa riyan, magluluto rin sila ng Menudo na perfect para sa nalalapit na Pasko. 

‘Wag palampasin ang masayang episode na ‘yan ng Sarap, ‘Di Ba? ngayong Sabado (December 19), 10am, sa GMA Network! 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Ruru Madrid at Shaira Diaz, sumabak na sa face-to-face training para sa ‘Lolong!’

Bernadette Sembrano, nagbibigay pag-asa sa kantang ‘Yakapin Ang Pasko’