in

Migo Adecer, maraming natutunan sa 5 years nya sa showbiz

Kasabay ng pagdiriwang niya ng kaarawan sa darating na December 20, isa rin sa nais ipagpasalamat ng Kapuso actor na si Migo Adecer ang ikalimang taon niya sa show business. 

Matapos tanghaling Ultimate Male Survivor sa sixth season ng reality-based artista search ng GMA Network na ‘StarStruck’ noong 2015, nag-umpisa na ang career ni Migo bilang isang aktor at patuloy niyang  ipinamamalas ang kaniyang talento sa pag-arte sa mga teleserye ng GMA kabilang na ang ‘Encantadia,’ ‘My Love from the Star,’ ‘The One That Got Away,’ ‘Ika-5 Na Utos,’ at ngayon sa primetime series na ‘Anak ni Waray vs. Anak ni Biday.’

Kuwento niya, marami siyang natutunan mula sa kanyang mga karanasan sa showbiz sa loob ng limang taon, “Well, for sure I’m definitely a different person from when I first started. Mas marami na akong alam sa craft natin ngayon sa showbiz. Of course, it’s definitely been hard, there were a lot of difficult times, it is not easy pero the good outweighs the bad naman. Grateful lang ako na mayroon akong opportunity na maging artista sa GMA. It’s been a humbling experience, I can say that.”

Samantala, abangan ang nalalapit na pagbabalik ng ‘Anak ni Waray vs. Anak ni Biday’ sa GMA Telebabad!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Boses ng Konsyumer, bibigyang pansin sa bagong programa ng DZBB

Mavy Legaspi, abala sa 2021; gustong makapareha si Kyline Alcantara