in

Ruru Madrid at Shaira Diaz, sumabak na sa face-to-face training para sa ‘Lolong!’

Aminado sina Kapuso actors Ruru Madrid at Shaira Diaz na na-challenge sila sa kanilang face-to-face training para sa pagbibidahan nilang action-adventure series ng GMA Public Affairs na “Lolong.” Matatandaang sinimulan ng dalawa ang kanilang training virtually pero siyempre iba pa rin talaga pag face-to-face ang pagsasanay. 

“Nakapag-train ako before pero kailangan mong i-refresh talaga. So, I think iyon po talaga ‘yung mahirap. Even ‘yung flexibility mawawala po talaga ‘yan that’s why kailangan pong i-workout namin,” ani Ruru sa kanyang interview sa 24 Oras. 

“’Yung isa rin sa part na nahirapan ako ‘yung mga sipa. Dahil hindi nga ako masyadong flexible, nahihirapan po ‘yung legs ko na sumipa nang mataas, nawawala po sa balance,” kuwento naman ni Shaira.

Marami na rin ang excited sa bagong proyekto nina Ruru at Shaira na balita namin ay talagang pinaghahandaan ng buong cast at production team.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Celebrity players, bawal mag-ingay sa ‘Walang Tunugan’ segment ng ‘It’s Showtime’

Boobay at Tekla, makikisaya sa ‘Sarap, ‘Di Ba?’