in

Celebrity players, bawal mag-ingay sa ‘Walang Tunugan’ segment ng ‘It’s Showtime’

Iba’t ibang nakakatuwang challenges na susubok sa katahimikan ng Kapamilya stars ang napapanood sa “It’s Showtime” sa pinakabago nitong segment na “Walang Tunugan,” ang kauna-unahang laro sa TV na walang ingay.

Simple lang ang patakaran ng laro: kung sino ang mas tahimik na makakagawa ng challenge ang makakuha ng puntos at aabante sa jackpot round. Ang ingay namang nagawa ng celebrity players ay susukatin sa pamagitan ng decibel meter o ang instrumentong sumusukat sa lakas ng isang tunog.

Bilang patikim sa segment, nagharap sina Vhong Navarro at Kim Chiu sa unang pasabog ng “Walang Tunugan” noong Lunes (Disyembre 14).

Para sa unang challenge, naglaban ang dalawang hosts sa pagbubukas ng isang can ng softdrinks nang hindi lumalagpas sa 65 decibels ang malilikhang ingay.

Matapos manalo ni Kim sa hamon, sumuong na siya sa jackpot round kung saan kinailangan niyang suotin ang isang jacket na puno ng pako at lumusot sa isang balloon tunnel nang walang napuputok na lobo o katumbas ng ganap na katahimikan.

Kapag matagumpay na naisagawa ang hamon sa jackpot round, mananalo ng P5,000 na premyo ang isang swerteng online viewer na tama ang hula ng mananalong celebrity player sa unang round. Para makasali ang netizens, kailangan lamang nilang i-tweet o i-comment sa Facebook ang pangalan ng hula nilang celebrity player kasama ang official hashtag of the day ng programa.

Dahil hindi napagtagumpayan ni Kim ang unang hamon, madadagdagan ng P5,000 ang kaban ng premyong makukuha sa susunod na episode.

Tanggapin ang hamon ng katahimikan at manood ng “Walang Tunugan” sa “It’s Showtime” tuwing tanghali sa A2Z channel sa digital at analog TV. I-scan lang ang digital TV boxes para hanapin ang A2Z channel na mapapanood sa Metro Manila at ilang bahagi ng Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, at Pampanga.

Patuloy din itong napapanood mula Lunes hanggang Sabado sa Kapamilya Channel sa cable at satellite TV sa Kapamilya Channel (SKYchannel 8 sa SD at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, G Sat Direct TV channel 22, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association sa buong bansa), sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iWantTFC app o iwanttfc.com. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa The Filipino Channel.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Makasaysayan na ABS-CBN Christmas Special, iaalay para sa mga biktima ng bagyo

Ruru Madrid at Shaira Diaz, sumabak na sa face-to-face training para sa ‘Lolong!’