Tampok sa ABS-CBN News website ang mga current affairs program ng ABS-CBN na talaga namang minahal ng manonood at nanalo rin ng maraming parangal.
Inilunsad kamakailan sa news.abs-cbn.com ang “Current Affairs Throwback.” Araw-araw ay may ipalalabas na episode mula sa iba-ibang programa ng ABS-CBN News and Current Affairs na naghatid ng impormasyon at inspirasyon sa mga manonood sa maraming taon.
Tuwing Lunes ang throwback sa “Mission Possible,” Martes para sa “My Puhunan,” at Miyerkoles naman para sa “Red Alert” o “#NoFilter.” Sa Huwebes naman ang “Kuha Mo,” kasunod ang “Local Legends” o “Sports U” sa Biyernes. Sa Sabado naman ang “Failon Ngayon” at “SOCO,” habang tuwing Linggo bibida ang “Matanglawin” at “Rated K.”
Samantala, tuloy-tuloy ang paglilingkod ng ABS-CBN News sa digital para maabot ang marami pang Pilipino saan mang parte ng mundo. Sa katunayan, mayroon nang sariling Viber community ang ABS-CBN News kung saan agarang makatatanggap ng mga nagbabagang balita at iba pang mahahalagang kuwento at ulat tungkol sa mga isyu at pangyayari sa Pilipinas at sa mundo.
Mayroon na ring sariling Viber sticker pack ang ABS-CBN News na maaaring i-download nang libre at gamitin ng mga Viber user sa kanilang pakikipag-chat sa nasabing messaging app. Kabilang dito ang mga salitang may ugnay sa ABS-CBN, tulad ng “Pang-BMPM ‘yan!” at “#NagpaPatrol,” at mga sikat na hirit sa online gaya ng “BitterOcampo” at “StressDrilon.”
Manood ng “Current Affairs Throwback” araw-araw sa ABS-CBN News website (news.abs-cbn.com/currentaffairs) at mag-download na ng ABS-CBN News Viber stickers (https://bit.ly/ABSCBNNewsStickers).
Para sa updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram o bumisita sa abs-cbn.com/newsroom.