in

GMA Regional TV Live! mapapanuod na simula sa Lunes

May bagong programang handog ang GMA Regional TV para sa mga Kapusong Cebuano. Ito ang GMA Regional TV Live! na mapapanuod tuwing umaga simula ngayong Lunes, April 20 sa pamamagitan ng regional channels ng GMA Regional TV sa Central at Eastern Visayas.

Nakita namin ang teaser nito online at masasabi naming masuwerte ang mga Kapuso viewer sa Visayas dahil sa bagong show na ito. May tagline na “Wake up to a new morning.

Get ready for a fresh start” ang GMA Regional TV Live! na balita namin ay magtatampok ng mga kuwento at segment na may positive vibes. May mga interview pa with local and national personalities na mapapanuod rito ang mga Kapusong Cebuano. Anchors at correspondents ng local newscast na GMA Regional TV Balitang Bisdak ang magsisilbing hosts ng bagong show. Mapapanuod ito simula ika-8 ng umaga sa pamamagitan ng GMA Regional TV channels na GMA TV 7 Cebu, GMA TV 10 Tacloban, GMA TV 11 Bohol, and GMA TV 12 Ormoc. Mukhang gaganda ang gising lalo ng Kapuso natin sa Central at Eastern Visayas!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Lovi Poe, nagbigay ng tips para sa long distance relationships

‘Line to Heaven’ ni Jeric Gonzales, may music video na rin!