in

Jeremy Sabido, pinaghahandaan na ang karakter sa ‘Ang Dalawang Ikaw’

Inamin ng StarStruck Season 7 graduate na si Jeremy Sabido na nakaranas siya ng depression ngayong quarantine dahil sa pagkakalayo nila ng kanyang ama.

Buti na lang daw ay may malakas siyang support system kaya mabilis naibsan ang kanyang kalungkutan. Pagmo-movie marathon daw ang madalas nilang bonding magkakapatid.

Nanonood sila ng mga pelikulang related sa mental health bilang paghahanda ni Jeremy para sa upcoming Kapuso serye na Ang Dalawang Ikaw na pagbibidahan nina Ken Chan at Rita Daniela. Sa serye, gaganap si Jeremy bilang King, best friend ni Nelson (Ken).

Aniya, “Sinasabayan ako ng mga kapatid ko na mag-movie marathon para makakuha ako ng scene na bagay sa role ko.”

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Sef Cadayona, gaganap bilang ‘beki vlogger’ sa bagong episode ng #MPK

Sikat na Thai series na ‘Theory of Love,’ libreng mapapanood sa iWantTFC