in

Iya Villania, naging manggugupit ni Drew Arellano

Hindi lang pagti-TikTok ang nauuso ngayong nasa ilalim ng enhanced community quarantine ang ilang parte ng bansa, maging paggugupit ng sariling buhok ay pinasok na rin ng mga hindi na maatim ang kanilang humahabang hairstyle gaya na lamang ng Kapuso couple na sina Mars Pa More host Iya Villania at AHA host Drew Arellano.

Sa kanyang Instagram story, binahagi ni Drew ang larawan kung saan ginugupitan siya ng maybahay na si Iya, “Minsan kinakabahan ako sa ‘game face’ look ng asawa ko. Parang buhok sa ilalim ng scalp ko makukuha din niya.”

Kahit na medyo natakot sa kalalabasan ng gupit ni Iya, sa huli ay pinuri ni Drew ang all-around and talented na asawa. “Malupit talaga sila. Magaling na asawa. Malupit na nanay. Mabangis na barbera,” ani ni Drew na sinabing nararapat lang daw na araw-araw ay ipagdiwang Women’s Day.

Bukod kina Iya at Drew, kabilang din sina Solenn Heussaff at Nico Bolzico at sina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa mga couples na nakakaaliw na nag-pagupit ng buhok sa kani-kanilang mga asawa.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Heart Evangelista, aminadong inaatake ng anxiety sa gitna ng quarantine

Arny Ross at fiancé, namahagi ng milktea sa frontliners