in

‘Unang Hirit’ mamimigay ng bahay sa ika-21 anniversary

Isang brand new house ang handog ng Unang Hirit sa loyal viewers nito bilang pagdiriwang ng ika-21 anniversary ng programa.

Ang “Bagong Bahay 2021, Pag-asa at Pagbangon,” ay isang online promo na bukas sa lahat ng mga naapektuhan nang husto ng COVID-19 pandemic at ng mga nagdaang kalamidad.

Kailangan lang ibahagi ng mga gustong sumali kung paano hinarap ng kanilang pamilya ang mga pagsubok na dulot ng COVID at ng mga kalamidad, pati na rin kung paano sila unti-unting bumabangon upang itaguyod muli ang kanilang buhay. Makikita sa official Facebook page ng Unang Hirit ang link kung saan maaari ipadala ng viewers ang kanilang entry kasama ang kanilang contact details.

Sa January 8, 2021, ia-announce ng programa kung sino ang mananalo ng bagong bahay.

Bukod sa bahay, mayroon ding “Gift Me Something” na regalo ang programa kung saan makakatanggap ang winners ng GMA Affordabox at P5,000 cash. Kailangan lang ipadala ng viewers ang picture ng regalong nire-request ng UH host kasama ang contact details ng sumasaling viewer. May link din sa official UH Facebook page kung saan pwedeng ipadala ang entry. Bisitahin lang ang https://www.facebook.com/Unang.Hirit/.

Tuluy-tuloy ang blessing na natatanggap ng tinaguriang “Pambansang Morning Show.” Kamakailan lang, pumalo na sa 3 million ang followers ng Unang Hirit sa Facebook, halos doble sa bilang noong nagsimula ang taong 2020. Congrats, UH!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Kokoy de Santos bumigay na kay Alex Diaz, pinagtaksilan si Barbie Imperial sa ‘Oh, Mando’ ng iWantTFC

Ken Chan, sumabak sa firearm training para sa ‘Ang Dalawang Ikaw’