in

Super Tekla, may isisiwalat ngayong Linggo sa ‘The Boobay and Tekla Show’

Espesyal at madamdamin ang episode ng ‘The Boobay and Tekla Show’ ngayong Linggo (Nobyembre 29) dahil matapang na isisiwalat ni Super Tekla ang kaniyang mga sentimento sa kinasangkutang isyu sa isang one-on-one interview.

Kakaibang Super Tekla ang mapapanood ng viewers ngayong Linggo sa TBATS. Sa unang pagkakataon ay haharapin at sasagutin ng Kapuso comedian ang mga naiwang katanungan matapos ang kinaharap na isyu ng kaniyang pamilya.

Makakasama rin ni Super Tekla sa interview ang kaniyang BFF na si Donita Nose na ibabahagi ang ilan sa mga plano ng kaibigan sa muli niyang pagbangon at pagsisimula sa panibagong yugto ng buhay.

Ang live interview ay pangungunahan ng TBATS co-host niyang si Boobay kasama ang The Mema Squad na magbabato ng maiinit na katanungan.

Abangan din sina Boobay, Tekla, at The Mema Squad sa isang masayang laro na ‘Roleta ng Kadramahan’. ‘Wag din palampasin ang nakakalokang phone prank ng tatlong komedyante sa beauty queen na si Ariella Arida sa ‘Na-TBATS Ka.’

Abangan ang special episode ng The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo, 10:30PM, pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho sa GMA-7.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Ina Feleo, sa museum gaganapin ang nalalapit na kasal

Kapuso cutie Gab Yabut, gustong mag-produce ng sariling rap single