in

Benjamin Alves, na-starstruck kay Nova Villa

Hindi mapigilang ma-starstruck ng Owe My Love lead actor na si Benjamin Alves sa veteran actress na si Ms. Nova Villa nang maka-eksena niya ito sa ginagawa nilang lock-in taping para sa upcoming rom-com series ng GMA Network. 

Kuwento ni Ben sa kanyang Facebook account, natulala raw ito ng slight habang ginagawa ang kanyang first scene with Nova.

“Grabe kasama ko legend,” bigla raw niyang nasabi. “I quickly realized that I had a lapel and turned to our audio-man who nodded and smiled in approval. Starstruck ako kay Ms. Nova Villa.”

Gaganap si Nova bilang si Mama Eps, ang lola ni Lovi Poe sa serye. Si Benjamin naman ay ipo-portray ang character ng doktor na si Migs Alcancia. 

Natutuwa naman ang fans nina Ben at Lovi dahil updated sila sa mga behind the scenes ng taping sa pamamagitan ng social media accounts ng kanilang mga idol. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Winwyn Marquez, nanguna sa kaniyang marine reservist training

Ina Feleo, sa museum gaganapin ang nalalapit na kasal