in

Betong Sumaya, nagsagawa ng birthday benefit concert

Hiling ng Kapuso comedian na si Betong Sumaya na muling makaahon ang mga naapektuhan ng hagupit ng nagdaang mga bagyo. Kaya naman, sa kanyang recent birthday celebration ay nagkaroon siya ng online benefit concert upang matulungan ang mga residenteng nasalanta. 

Ginanap noong November 21 ang ‘BTS – Betong’s Tonight Show A Birthday Benefit Concert for the victims of Typhoon Ulysses’ live sa kaniyang YouTube channel kung saan nakasama niya ang ilang kapwa Kapuso stars para mag-perform. 

Kabilang dito sina Ruru Madrid, Maey Bautista, Boobay, Valeen Montenegro, Lovely Abella, Denise Barbacena, Kakai Bautista, Kim de Leon, Jeremiah Tiangco, Anthony Rosaldo, Jeremy Sabido, Dani ng grupong XOXO, at Lowell Jumalon.

Maaaring mapanood ang virtual concert sa kaniyang YouTube channel. Samantala, abangan si Betong sa weekend variety show na ‘All-Out Sundays’ at sa GMA Entertainment comedy channel na YouLOL. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Kate Valdez, may advice sa mga kabataang nag-aadjust sa new normal

Dennis Trillo, hanga sa gagampanang karakter sa ‘Legal Wives’