in

Carmina Villarroel at John Estrada, may pasilip sa lock-in taping ng ‘Babawiin Ko Ang Lahat’

Sumabak na sa month-long lock-in taping ang cast ng upcoming Kapuso series na ‘Babawiin Ko Ang Lahat’. Kasama rito sina Carmina Villarroel, John Estrada, Tanya Garcia, Pauline Mendoza, Dave Bornea, Kristoffer Martin, Manolo Pedrosa, at Liezel Lopez.

May pasilip naman ang production team sa kanilang lock-in taping sa Batangas kung saan mapapansin ang mahigpit na pagsunod ng lahat sa safety protocols.

Taos-puso rin ang pasasalamat ng batikang aktor na si John sa pag-aalaga ng GMA Network sa lahat ng cast and crew na kabilang sa lock-in taping, “Just wanna thank and praise GMA for putting us in a very comfortable environment for our one-month lock-in. Specially to our staff of “BABAWIIN KO ANG LAHAT” iba kayo guys.”

Dagdag pa niya, “Kudos to you guys. ‘Di po kami tinipid. Importante po sa amin ang comfort at ‘yun po ang binigay n’yo. Salamat nagtatrabaho ka pero parang nasa baksyon ka.”

Kapansin-pansin naman ang agarang closeness ng cast members sa ipinost na photo ni Carmina sa Instagram kung saan pinasalamatan niya ang co-star na si Kristoffer para inihandang dinner, “My Babawiin Ko Ang Lahat family. Thank you @kristoffermartin_ for the yummy dinner. Ang saya! Lock-in, Day 5.”

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Tulong-Tulong Sa Pag-Ahon’ ng ABS-CBN Sagip Kapamilya, maghahatid ng liwanag sa mga biktima ng bagyo

Boobay, Tekla, at Boobsie, may hatid na good vibes sa ‘Comedy Night Live’